ITO MUNA ANG BASAHIN!!!

Ang mga isusulat, maisusulat ay pawang naisulat na at muling isusulat para maging tama. At kung ang pagiging tama ay pag-iwas sa mali...gagawin ko! Kahit alam kong ang mali ay kakambal ng pagiging inosente (minsan)...sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lamang ng blog ko (raw) ito lang ang masasabi ko"GOD BLESS THIS BLOG AT MAMATAY NA ANG HINDI NAGBIBIGAY NG PONDO NG PUBLIKASYON, GRACIAS ADMIN!!!"

Thirty Things Before I Want To Do Before I Die

  1. makaikot-ikot sa buong Pilpinas.
  2. parehas ng #1 kaso buong mundo naman.
  3. makapag-publish ng sariling book.
  4. makapagturo sa highschool kahit ‘sang taon lang.
  5. ‘pag nangyari ang #4 maghuhulog ako ng pinakamatalinong estudyante para naman may tatadyak ng puntod ko.
  6. kainin lahat ng uri ng tsokolate.
  7. pumunta ang lahat ng kamag-anak ko at sumayaw sila (1 by 1)
  8. magbasa muna ng Bibliya (way to heaven)
  9. magbasa ang lahat ng libro ni Bob Ong.
  10. malaman ang totoong sagot sa tanong na, “ang bata ay tumatakbo?
  11. gusto ko munang malaman kung sino sa alin ang dapat sambahin, ang Diyos o si Jesus?
  12. gusto kong malaman ang alin sa alin ang sugo ng kadiliman sa nagraramihang relihiyon.
  13. mae-recite ang buong rosaryo.
  14. makapasok sa bahay ni kuya pero patay ang kamera.
  15. makasali sa Game knb kaso wala na.
  16. sabihin sa kapatid ko na ang mga libro ko ay alagaan.
  17. itago sa museu ang talambuhay ko sa lahat ng alibata.
  18. makapanood muli ng “the classic” korean movie
  19. mapanood ang lahat ng episode ng Discovery Channel.
  20. ihahabilin ko sa kanila na ang gusto kong tunog sa aking karo ng Canon (rock version, violin, piano etc. version)
  21. ipagbili ang gitara pantulong sa aking ipanlilibing.
  22. tawagin ang lahat ng member ng publication at sasayaw lahat.
  23. matutung tumugtug sa violin (canon)
  24. makita ang lahat ng ex at pauwiin muli.
  25. isulat ang lahat ng baho ng paaralan, gobyerno, at katabi ko ngayon.
  26. i-ayos ang venue ng paglilibingan.
  27. outing ng buong angkan.
  28. hanapin ang pinsan kong nag-layas
  29. paranasin sa iba ang lasa ng langit ng mamamatay na.
  30. gumawa ng schedule ng mga ‘to!