ITO MUNA ANG BASAHIN!!!

Ang mga isusulat, maisusulat ay pawang naisulat na at muling isusulat para maging tama. At kung ang pagiging tama ay pag-iwas sa mali...gagawin ko! Kahit alam kong ang mali ay kakambal ng pagiging inosente (minsan)...sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lamang ng blog ko (raw) ito lang ang masasabi ko"GOD BLESS THIS BLOG AT MAMATAY NA ANG HINDI NAGBIBIGAY NG PONDO NG PUBLIKASYON, GRACIAS ADMIN!!!"

Tagong Yaman

Para sa mga naharurut sa eleksyon at iboboto ng mamamayang Pilipino. Magbasa ka! Pakinggan mo ang alulong ng sikmura ng kapwa mo kadugo at langhapin ang katawang lupa mo. Minsan napapaisip ako, mayaman pala talaga ang Pilipinas. Tuwing halalan handang maglabas ng puhunan ang mga kabayo. Oo kabayo, tatakbo sila hindi ba? Maraming gutom, maraming pasal pero bakit ‘pag tapos na ang eleksyon ang mga nagpipilit na bayani ng bansa ay nagkakadawala-wala? Nasan na ang perang winaldas sa mga tarpaulin? Asan na ang pinambayad nila sa kalaban nilang politiko? (sadyang nambibintang?) Oo nambibintang ako, kung hindi ako? Sino?...ikaw? Asan na ang tagong yaman na s’yang tinubo ng nagwaksing tunay ng mga bayani at hindi puro pagkukunwari?

Ikaw bilang politiko ng bagong henerasyon ng lumang sistema, ano bang kaya mong gawin? Kaya mo bang hanapin ang nagtatagong yaman?

l< l_ l_ians, magbasa ka!

Siguro nagtataka ka kung bakit ba nagsusulat kami o wala ka lang talagang paki-alam. Laban sa taong umaruga sa amin o sa atin. Hindi naman kami babayaran at bibigyan ng parangal, kataasan pa nga nito ay maipapako pa kami sa krus at sipain sa paaralang pinaglalaanan namin ng panahon. Ano nga ba talaga ang napapala namin? Ako?

Sa totoo lang hindi ako nagsusulat ng laban sa kanila dahil sa mga estudyanteng ignorante. (minsan, oo sa hindi sinasadyang pagkakataon). Nagsusulat ako dahil isa ako sa nagbabayad ng walang napapala. Ang pinagkaiba lang natin ay ikaw ay tulog samantalang ako’y gising at walang ginagawa, walang magawa, walang kayang gawin kundi magreklamo. Bukod sa wala, wala talaga!