ITO MUNA ANG BASAHIN!!!

Ang mga isusulat, maisusulat ay pawang naisulat na at muling isusulat para maging tama. At kung ang pagiging tama ay pag-iwas sa mali...gagawin ko! Kahit alam kong ang mali ay kakambal ng pagiging inosente (minsan)...sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lamang ng blog ko (raw) ito lang ang masasabi ko"GOD BLESS THIS BLOG AT MAMATAY NA ANG HINDI NAGBIBIGAY NG PONDO NG PUBLIKASYON, GRACIAS ADMIN!!!"

BYAHE PUNTANG DISYERTO

Sakay na naman pala ako sa sasakyang hindi naman kakarag-karag ngunit sira naman ang kambyo. Minsan naiisip ko na bigla na lang s'yang sisigaw ng "TAWAGIN NA N'YO ANG KILALA NYONG SANTO, DAHIL WALA NG PRENO ANG SASAKYAN NATIN!" Minsan natatawa na lang ako sa halip na matakot.
Masayang magbyahe at isa yun sa mga pangarap ko. Ang magbyahe sa buong Pilipinas masaya yun kahit 'wag na sa buong mundo. Pero dito pa lang sa Lipa busog ka na sa mga scenic spots. Ang mga pulubing pakalat-kalat, mga establisyementong sarado at gusaling hanggang ngayon ay hindi pa tapos. Ano nga bang pakialam ko sa Lipa, ni bahay ko nga eh hindi ko inaayos yung mas malaki pa kaya. Isa pa hindi ako kandidato na nagkakalat ng tarpulin sa labas.
Ngunit ang hindi ko maiwasang tingnan sa tuwing nagbabyahe ako papuntang Disyerto ay ang gusaling may asul at dilaw na tinta sa pader. Nagbabakasakali lang naman ako na baka muli ko syang makita, kahit hindi na makausap. Makita ko lang, ayos na. Kahit iba na ang unipormado n'ya at laman ng isip n'ya.

KUTILYON

12-05-09
8:44 am
Sabado, napakabigat ng pakiramdam. Naghahalong init at lamig. Pakiramdam kong bibitayin na ako kaya dapat gawin at kainin ko na ang mga gusto ko. Alam mo ba 'yong pakiramdam na gusto mong tumulog pero hindi mo magawa dahil may napalakat sa katapat nyong bahay, inaatake ka ng iyong insomia o dili kaya'y maraming naglalaro sa iyong isipan? Di ba ang sama ng pakiramdam ng ganun? Minsan kailangan mong uninom ng mga gamot para lang makahimlay, na isang bagay na dapat sa'yo. Bagay na dapat hindi mo ihingi ng tawad at hiya.
Ang mga taong tulad ko na takot sa mata ng tao, hindi dahil mukha akong arinola kundi umiiwas sa pula ng kanilang walang dungis na pagkatao. At ngayon nakagapos ako at unti-unting nawawalan ng hangin dahil sa pagkakabigti, ito lang ang gusto kong itanong sa'yo, "GUSTO MO BA ANG KINALALAGYAN MO NGAYON? O KATULAD MO RIN AKO NA HINDI MARUNONG TUMANGGI SA SAYAW NG KUTILYON?"

TIBIG

Tula na hinabi sa alaala ng BSED I-B(day) 2nd sem

anong puno itong aking nakikita?
bilugang bunga'y nakasabit sa kanya
kulay parang dahon tinta'y inaksaya
hugis bayabas ngunit di nangangata

'kaw tamad ka bakit ayaw pang kumuha
para tayo ay makapagsimula na
itusok sa tingting at balansihin na
kumuha ng tulyasi at maghanda na

ngunit sana ay iyong pagkatandaan
tumingin kayo sa kaliwa at kanan
bantayan ang mga matang gumagala
dahil si nanay siguradong baltik na

...yan ang napala ko sa filipino I ko. ang gumawa ng isang pang-elementary(ng) tula. on the spot yan habang ang titser ko sa unahan ay TL(tulo-laway)...saya