Para sa mga naharurut sa eleksyon at iboboto ng mamamayang Pilipino. Magbasa ka! Pakinggan mo ang alulong ng sikmura ng kapwa mo kadugo at langhapin ang katawang lupa mo. Minsan napapaisip ako, mayaman pala talaga ang Pilipinas. Tuwing halalan handang maglabas ng puhunan ang mga kabayo. Oo kabayo, tatakbo sila hindi ba? Maraming gutom, maraming pasal pero bakit ‘pag tapos na ang eleksyon ang mga nagpipilit na bayani ng bansa ay nagkakadawala-wala? Nasan na ang perang winaldas sa mga tarpaulin? Asan na ang pinambayad nila sa kalaban nilang politiko? (sadyang nambibintang?) Oo nambibintang ako, kung hindi ako? Sino?...ikaw? Asan na ang tagong yaman na s’yang tinubo ng nagwaksing tunay ng mga bayani at hindi puro pagkukunwari?
Ikaw bilang politiko ng bagong henerasyon ng lumang sistema, ano bang kaya mong gawin? Kaya mo bang hanapin ang nagtatagong yaman?
Ikaw bilang politiko ng bagong henerasyon ng lumang sistema, ano bang kaya mong gawin? Kaya mo bang hanapin ang nagtatagong yaman?
No comments:
Post a Comment