ITO MUNA ANG BASAHIN!!!

Ang mga isusulat, maisusulat ay pawang naisulat na at muling isusulat para maging tama. At kung ang pagiging tama ay pag-iwas sa mali...gagawin ko! Kahit alam kong ang mali ay kakambal ng pagiging inosente (minsan)...sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lamang ng blog ko (raw) ito lang ang masasabi ko"GOD BLESS THIS BLOG AT MAMATAY NA ANG HINDI NAGBIBIGAY NG PONDO NG PUBLIKASYON, GRACIAS ADMIN!!!"

IBOBOTO KO?

Sinong iboboto mo? Ang dami na kasing nagtatanong sa akin, wala naman akong maisagot dahil sa totoo lang wala pa akong napipili. Pare-parehas ang tingin ko sa mga politiko, marumi. Kaya ang iboboto ko sa darating na eleksyon ay ang taong alam kong matatalo lang din. Bakit? Dahil alam kong matatalo s'ya at hindi n'ya mapapakinabangan ang boto ko at dahil doon wala akong kargo de konsencia dahil hindi ko ibinoto ang taong halimaw. Taong anghel at propeta sa mata ng madla kung kaya't hindi ko s'ya pinagkatiwalaan at pagkakatiwalaan.
Pero hindi ibigsabihin noon na pinagkatiwalaan ko ang taong talunan. Hindi ko masasabing ginamit ko ang utak ko dahil meron nga ako noon, may laman pero hindi lagi ginagamit. Kung sino man ang iboboto ko o ang taong talunan, hay wala pa rin. Sa kasalukuyan pumipili pa lang ako sa iba't-ibang kulay (ponkan, dilaw, berde, asul, puti, etc. parang power ranger lang)

2 comments:

  1. pwede ding magsulat ng patungkol sa ginaracias mo sa pagpapakilala! Mabuhay ang mga blogger!

    ReplyDelete