ITO MUNA ANG BASAHIN!!!

Ang mga isusulat, maisusulat ay pawang naisulat na at muling isusulat para maging tama. At kung ang pagiging tama ay pag-iwas sa mali...gagawin ko! Kahit alam kong ang mali ay kakambal ng pagiging inosente (minsan)...sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lamang ng blog ko (raw) ito lang ang masasabi ko"GOD BLESS THIS BLOG AT MAMATAY NA ANG HINDI NAGBIBIGAY NG PONDO NG PUBLIKASYON, GRACIAS ADMIN!!!"

RIP

Sa paghahati ng buwan ng Enero at Pebrero isa na namang kapamilya ang nalagas sa aming angkan.
Sa totoo lang malayo ang loob ko kay Tyrone, ang dahilan kung bakit? Hindi ko alam. Tatlo kaming magkakapatid, (parang SOS) lalaki-babae-lalaki. Tapos dumating si Marshal, Tyrone at Jandi na s'ya namang hango sa mga palabas sa TV. Maingay sila tuwing gabi na minsan ay nakakabadtrip na rin. Magkaganun pa man mabait sila sa amin kahit magkakaiba ang pinagmulan nilang magulang.
Minsan nakakapagtampo na rin, "BUTI PA SINA MARSHAL, TYRONE AT JANDI 'PAG DUMADATING AKO EH SALUBONG AGAD", apela ni ama. Hindi na lang ako naimik pero nakakapagtampo talaga. Hanggang sa nadeds si Jandi sa hindi malamang dahilan (hindi naman kasi inaalam), nakakalungkot. At ngayon, si Tyrone naman ang natipok. Nakita na lang namin na dilat ang kanyang mga mata...sa kabila ng pagtatampo, awa ang s'yang pumalit at lungkot sa aking ama.
Walang ng natalon at nahimod sa paa ni ama. Ang apela? Anong gusto n'ya? Magtatalon din kami at himurin ang kanyang paa na parang aso? Pwede ba!
"BANG-AW AKO PERO HINDI AKO ASO...BAKIT?" (see aso in Alamat ng Gubat by Bob Ong)

No comments:

Post a Comment