ITO MUNA ANG BASAHIN!!!

Ang mga isusulat, maisusulat ay pawang naisulat na at muling isusulat para maging tama. At kung ang pagiging tama ay pag-iwas sa mali...gagawin ko! Kahit alam kong ang mali ay kakambal ng pagiging inosente (minsan)...sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lamang ng blog ko (raw) ito lang ang masasabi ko"GOD BLESS THIS BLOG AT MAMATAY NA ANG HINDI NAGBIBIGAY NG PONDO NG PUBLIKASYON, GRACIAS ADMIN!!!"

Bato sa Bato



Global Warming, nakabibinging pakinggan hindi ba? Pero ang bagay na ‘to ay kayang sirain ang buhay ng lahat, sa halaman, sa hayop, sa kalikasan at sa tao. Ang pagkatuyo ng mga halaman dahil sa salat na suplay ng tubig dulot nito mawawalan ng tirahan ang mga hayop na sya na sanang poprotekta sa kanila. Sa pagkawala ng hayop at halaman ay s’yang sinyales na kasiraan ng kapaligiran at magdudulot ng malawakang tag-gutom sa tao at sa lahat ng nabubuhay. Ang solusyon? Ewan.
Kasabay ng problemang ‘to isa-isang naglalabasan ang mga sakit. Tulad ng heart stroke, heatstroke, mild stroke, ‘backstroke’ at iba’t-iba pang stroke. Dulot ng tumataas na temperatura may isa na namang sakit ang kumakalat sa tagway na dalawang lalaki sa isang babae. Ang sakit na ito ay tinatawag na kidney stone o sakit sa bato o pagkakaroon ng bato sa bato.
Ang kidney stone ay hango sa Latin na Ureterolithiasis o Nephrolithiasis sa salitang Griyego (nephro-kidney ; lithos-stone). Ito’y dulot ng chronic dehydration. Kung ano man ‘yon, malay ko! Hindi naman ako Science Major. Basta ito’y tungkol sa kakulangan ng tubig sa katawan. Dulot nito naiiga ang ating kidney kung kaya’t ang mga unwanted chemical ay s’yang pinuproseso nito. At ang resulta? Dahil hindi ito normal na kemikal kaya’t namumuo ito nagiging bato. Kapag ang bato ay lumaki ng dalawa o tatlong milimetro bago lumampas sa tinatawag nating ureter (dalawang tubo na nagdudugtong sa kidney at bladder) magkakaroon ito ng bara at magdudulot ng kakaibang sakit sa baywang at sa daloy ng pag-ihi.
Ayon sa pag-aaral, nakakatulong sa pagkaaroon ng bato sa bato kapag masyadong maraming Sodium (asin) ang pumapasok sa katawan. Ang masyadong Calcium ay masama rin pero ang kakulangan nito ay hindi rin maganda. Ang mainam kainin ay ang mga pagkain na nagtataglay ng Vitamin A at B tulad ng manok at carrots. Nagdudulot din ng sakit sa bato ang purong pagkain ng laman ng hayop. Tulad ng minumulat sa atin ng mga nutritionist ngayon, kailangan nating kumain ng gulay.
Pero kung huli na ang lahat at hindi na kaya pang agapan ng mga gamot. Kailangan na ‘tong daanin sa operasyon. May tatlo lang tayong pamimiliin. Una, ang paggamit ng Extracorporeal Shock Wave Lithotripsy, ang wave na ‘to ay dumudurog ng bato sa loob ng katawan. Pangalawa, sa pamamagitan ng keyhole o open surgical (operasyon). At ang huli ay isa ring uri ng operasyon kung saan may ipapasok na manipis na tubo sa ating ‘everythings’ sa pamamagitan ng pagdaan ng tubo sa urethra patungo sa bladder tapos sa ureter at ang huli sa kidney. Solb. Pagkatapos ng operasyon, makakaramdam ng sobrang sakit ang pasyente kung kaya’t nireresetahan sila ng doktor ng pain reliever.
Maikli ang buhay, hindi ka naman siguro katulad ni Orochimaru na naghahangad na maging imortal, hindi ba? Sa panahon ngayon swertihan na kung makakatakbo pa tayo ng normal sa edad na limampo. Panalangin ko nga lang kung mamatay man ako sana sa bangungut na lang. No pain in less cost. Hindi na kailangan pang mag-tawag ng ambulansya, aba’y load din ‘yon! Diretso ng kabaong.
Kaya kung ako sa’yo, lubusin na natin ang oras na natitira dahil baka o sa makalawa eh wala na ang lahat. Wala na. Ipaglaban mo na ang bagay na pinaglalaban mo. Huwag kang matakot na matalo dahil parte na ‘yan ng lahat ng nabubuhay at nakakaramdam. Dahil sa mundong ating ginagalawan, isa lang ang permanente --- kamatayan.

1 comment:

  1. hindi n masama, pinapakita lang nito ang tunay n ugali nang mga pinoy tungkl s buhay,

    ReplyDelete