Ika-lima ko na ‘tong pag-eenrol at ‘di na mabilang na pilahan ang dumapo
sa manipis kong katawan. Tiniis ang biyaya ni Haring Araw at binasa ang
kamisitang laba ni inay. Wala e. Kahit anong gawin natin, maglaslas man tayo,
magbigti o tarakan ang puso natin sa harapan nila wala pa ring magbabago.
Mabagal.
Kalimitang problema ng mga bagong
At ang artikulong ‘to ang magpapa-alala ng masaklap mong karanasan at magsisilbing paalala sa susunod mong enrolan. Tandaan, basahin at sunding mabuti ang paraan ng pag-eenrol para hindi ka mamura kung sakaling masita ka nila na sumisingit sa pilahan.
1. Ibigay sa Registrar ang lahat ng requirements tulad ng Form 138 (Forth Year Card), Good Moral, photocopy ng Birth Certificate, dalawang 2x2 picture at mailing stamp na nakapaloob sa isang mahabang kulay lupang envelop (para sa bagong salta).
2. Punan ang hinihinging impormasyon ng Registration Form tulad ng schedule, course, section, pangalan, pangalan ng nanay at tatay mo, birthday, saan ka nakatira at iba pa, parang slam note lang.
3. Kapag napunan mo na ang lahat ng kinakailangan, papirmahan mo na ang Registration Form mo sa Dean ng kursong kinuha mo. Magtanong sa iba kung saan sila makikita.
4. Kung hinihingi ng pagkakataon. Pumila para sa numero kung saan gagamitin mo ‘tong pambayad ng ‘Developmenatal Share’ sa Accounting. Ayon kasi sa kanila, pang-iwas ito sa mga taong sumisingit pero wa-effect pa rin.
5. Pagkatapos mong magbayad. Kunin ang resibo at at tingnan kung may tatak ang Registration Form mo. Kung sakaling wala, pimili ka kung saan pwedeng patatakan ang nasabing Form patunay ito na bayad ka na sa mga share na idenedemand nila.
6. Pumila sa Registrar para ipakita ang pinagpaguran mong pagpapatatak at kung satisfied na sila sa lansak-lansak mong pawis bibigyan ka na nila ng bagong classcard para sa darating ng sem. Note: bilangin ang classcard bago umalis dahil minsan kulang-kulang ‘to at kahit magbaril ka pa sa bunganga ay hindi ka nila papansinin.
7. Yehey! Ang huling hakbang ay ipamigay ang Registration Form sa Dean, Accounting, at Registrar. Ang matitirang kopya ay para sa’yo. Note: huwag kainin ang Registration Form. Kailangan ito sa pagpapa-evaluate at sa mga major examination.
Sa hinahaba-habang enrolan, gutom, pangingitm ng balat, dehydration, init ng ulo at pananakit ng buong katawan…ligaya naman ang sasalubong sa’yo oras na matapos mo ang delubyong ito. Sa pa’no na? Kitakits na lang sa susunod na enrolan!
PAALALA:
Iwasang ma-dehydrate dahil maari ‘tong humantong sa tinatawag na kidney stone o sakit sa bato. Tumataas ang kaso ng sakit na ‘to ngayon dahil sa sobrang init ng temperatura.
No comments:
Post a Comment