- makaikot-ikot sa buong Pilpinas.
- parehas ng #1 kaso buong mundo naman.
- makapag-publish ng sariling book.
- makapagturo sa highschool kahit ‘sang taon lang.
- ‘pag nangyari ang #4 maghuhulog ako ng pinakamatalinong estudyante para naman may tatadyak ng puntod ko.
- kainin lahat ng uri ng tsokolate.
- pumunta ang lahat ng kamag-anak ko at sumayaw sila (1 by 1)
- magbasa muna ng Bibliya (way to heaven)
- magbasa ang lahat ng libro ni Bob Ong.
- malaman ang totoong sagot sa tanong na, “ang bata ay tumatakbo?
- gusto ko munang malaman kung sino sa alin ang dapat sambahin, ang Diyos o si Jesus?
- gusto kong malaman ang alin sa alin ang sugo ng kadiliman sa nagraramihang relihiyon.
- mae-recite ang buong rosaryo.
- makapasok sa bahay ni kuya pero patay ang kamera.
- makasali sa Game knb kaso wala na.
- sabihin sa kapatid ko na ang mga libro ko ay alagaan.
- itago sa museu ang talambuhay ko sa lahat ng alibata.
- makapanood muli ng “the classic” korean movie
- mapanood ang lahat ng episode ng Discovery Channel.
- ihahabilin ko sa kanila na ang gusto kong tunog sa aking karo ng Canon (rock version, violin, piano etc. version)
- ipagbili ang gitara pantulong sa aking ipanlilibing.
- tawagin ang lahat ng member ng publication at sasayaw lahat.
- matutung tumugtug sa violin (canon)
- makita ang lahat ng ex at pauwiin muli.
- isulat ang lahat ng baho ng paaralan, gobyerno, at katabi ko ngayon.
- i-ayos ang venue ng paglilibingan.
- outing ng buong angkan.
- hanapin ang pinsan kong nag-layas
- paranasin sa iba ang lasa ng langit ng mamamatay na.
- gumawa ng schedule ng mga ‘to!
dekalogo I
ITO MUNA ANG BASAHIN!!!
Thirty Things Before I Want To Do Before I Die
Tagong Yaman
Ikaw bilang politiko ng bagong henerasyon ng lumang sistema, ano bang kaya mong gawin? Kaya mo bang hanapin ang nagtatagong yaman?
l< l_ l_ians, magbasa ka!
Sa totoo lang hindi ako nagsusulat ng laban sa kanila dahil sa mga estudyanteng ignorante. (minsan, oo sa hindi sinasadyang pagkakataon). Nagsusulat ako dahil isa ako sa nagbabayad ng walang napapala. Ang pinagkaiba lang natin ay ikaw ay tulog samantalang ako’y gising at walang ginagawa, walang magawa, walang kayang gawin kundi magreklamo. Bukod sa wala, wala talaga!
Bato sa Bato
Global Warming, nakabibinging pakinggan hindi ba? Pero ang bagay na ‘to ay kayang sirain ang buhay ng lahat, sa halaman, sa hayop, sa kalikasan at sa tao. Ang pagkatuyo ng mga halaman dahil sa salat na suplay ng tubig dulot nito mawawalan ng tirahan ang mga hayop na sya na sanang poprotekta sa kanila. Sa pagkawala ng hayop at halaman ay s’yang sinyales na kasiraan ng kapaligiran at magdudulot ng malawakang tag-gutom sa tao at sa lahat ng nabubuhay. Ang solusyon? Ewan.
Kasabay ng problemang ‘to isa-isang naglalabasan ang mga sakit. Tulad ng heart stroke, heatstroke, mild stroke, ‘backstroke’ at iba’t-iba pang stroke. Dulot ng tumataas na temperatura may isa na namang sakit ang kumakalat sa tagway na dalawang lalaki sa isang babae. Ang sakit na ito ay tinatawag na kidney stone o sakit sa bato o pagkakaroon ng bato sa bato.
Ang kidney stone ay hango sa Latin na Ureterolithiasis o Nephrolithiasis sa salitang Griyego (nephro-kidney ; lithos-stone). Ito’y dulot ng chronic dehydration. Kung ano man ‘yon, malay ko! Hindi naman ako Science Major. Basta ito’y tungkol sa kakulangan ng tubig sa katawan. Dulot nito naiiga ang ating kidney kung kaya’t ang mga unwanted chemical ay s’yang pinuproseso nito. At ang resulta? Dahil hindi ito normal na kemikal kaya’t namumuo ito nagiging bato. Kapag ang bato ay lumaki ng dalawa o tatlong milimetro bago lumampas sa tinatawag nating ureter (dalawang tubo na nagdudugtong sa kidney at bladder) magkakaroon ito ng bara at magdudulot ng kakaibang sakit sa baywang at sa daloy ng pag-ihi.
Ayon sa pag-aaral, nakakatulong sa pagkaaroon ng bato sa bato kapag masyadong maraming Sodium (asin) ang pumapasok sa katawan. Ang masyadong Calcium ay masama rin pero ang kakulangan nito ay hindi rin maganda. Ang mainam kainin ay ang mga pagkain na nagtataglay ng Vitamin A at B tulad ng manok at carrots. Nagdudulot din ng sakit sa bato ang purong pagkain ng laman ng hayop. Tulad ng minumulat sa atin ng mga nutritionist ngayon, kailangan nating kumain ng gulay.
Pero kung huli na ang lahat at hindi na kaya pang agapan ng mga gamot. Kailangan na ‘tong daanin sa operasyon. May tatlo lang tayong pamimiliin. Una, ang paggamit ng Extracorporeal Shock Wave Lithotripsy, ang wave na ‘to ay dumudurog ng bato sa loob ng katawan. Pangalawa, sa pamamagitan ng keyhole o open surgical (operasyon). At ang huli ay isa ring uri ng operasyon kung saan may ipapasok na manipis na tubo sa ating ‘everythings’ sa pamamagitan ng pagdaan ng tubo sa urethra patungo sa bladder tapos sa ureter at ang huli sa kidney. Solb. Pagkatapos ng operasyon, makakaramdam ng sobrang sakit ang pasyente kung kaya’t nireresetahan sila ng doktor ng pain reliever.
Maikli ang buhay, hindi ka naman siguro katulad ni Orochimaru na naghahangad na maging imortal, hindi ba? Sa panahon ngayon swertihan na kung makakatakbo pa tayo ng normal sa edad na limampo. Panalangin ko nga lang kung mamatay man ako sana sa bangungut na lang. No pain in less cost. Hindi na kailangan pang mag-tawag ng ambulansya, aba’y load din ‘yon! Diretso ng kabaong.
Kaya kung ako sa’yo, lubusin na natin ang oras na natitira dahil baka o sa makalawa eh wala na ang lahat. Wala na. Ipaglaban mo na ang bagay na pinaglalaban mo. Huwag kang matakot na matalo dahil parte na ‘yan ng lahat ng nabubuhay at nakakaramdam. Dahil sa mundong ating ginagalawan, isa lang ang permanente --- kamatayan.
Enrol na me! Ikaw enrol na u?
Ika-lima ko na ‘tong pag-eenrol at ‘di na mabilang na pilahan ang dumapo
sa manipis kong katawan. Tiniis ang biyaya ni Haring Araw at binasa ang
kamisitang laba ni inay. Wala e. Kahit anong gawin natin, maglaslas man tayo,
magbigti o tarakan ang puso natin sa harapan nila wala pa ring magbabago.
Mabagal.
Kalimitang problema ng mga bagong
At ang artikulong ‘to ang magpapa-alala ng masaklap mong karanasan at magsisilbing paalala sa susunod mong enrolan. Tandaan, basahin at sunding mabuti ang paraan ng pag-eenrol para hindi ka mamura kung sakaling masita ka nila na sumisingit sa pilahan.
1. Ibigay sa Registrar ang lahat ng requirements tulad ng Form 138 (Forth Year Card), Good Moral, photocopy ng Birth Certificate, dalawang 2x2 picture at mailing stamp na nakapaloob sa isang mahabang kulay lupang envelop (para sa bagong salta).
2. Punan ang hinihinging impormasyon ng Registration Form tulad ng schedule, course, section, pangalan, pangalan ng nanay at tatay mo, birthday, saan ka nakatira at iba pa, parang slam note lang.
3. Kapag napunan mo na ang lahat ng kinakailangan, papirmahan mo na ang Registration Form mo sa Dean ng kursong kinuha mo. Magtanong sa iba kung saan sila makikita.
4. Kung hinihingi ng pagkakataon. Pumila para sa numero kung saan gagamitin mo ‘tong pambayad ng ‘Developmenatal Share’ sa Accounting. Ayon kasi sa kanila, pang-iwas ito sa mga taong sumisingit pero wa-effect pa rin.
5. Pagkatapos mong magbayad. Kunin ang resibo at at tingnan kung may tatak ang Registration Form mo. Kung sakaling wala, pimili ka kung saan pwedeng patatakan ang nasabing Form patunay ito na bayad ka na sa mga share na idenedemand nila.
6. Pumila sa Registrar para ipakita ang pinagpaguran mong pagpapatatak at kung satisfied na sila sa lansak-lansak mong pawis bibigyan ka na nila ng bagong classcard para sa darating ng sem. Note: bilangin ang classcard bago umalis dahil minsan kulang-kulang ‘to at kahit magbaril ka pa sa bunganga ay hindi ka nila papansinin.
7. Yehey! Ang huling hakbang ay ipamigay ang Registration Form sa Dean, Accounting, at Registrar. Ang matitirang kopya ay para sa’yo. Note: huwag kainin ang Registration Form. Kailangan ito sa pagpapa-evaluate at sa mga major examination.
Sa hinahaba-habang enrolan, gutom, pangingitm ng balat, dehydration, init ng ulo at pananakit ng buong katawan…ligaya naman ang sasalubong sa’yo oras na matapos mo ang delubyong ito. Sa pa’no na? Kitakits na lang sa susunod na enrolan!
PAALALA:
Iwasang ma-dehydrate dahil maari ‘tong humantong sa tinatawag na kidney stone o sakit sa bato. Tumataas ang kaso ng sakit na ‘to ngayon dahil sa sobrang init ng temperatura.
RIP
IBOBOTO KO?
BYAHE PUNTANG DISYERTO
KUTILYON
TIBIG
anong puno itong aking nakikita?
bilugang bunga'y nakasabit sa kanya
kulay parang dahon tinta'y inaksaya
hugis bayabas ngunit di nangangata
'kaw tamad ka bakit ayaw pang kumuha
para tayo ay makapagsimula na
itusok sa tingting at balansihin na
kumuha ng tulyasi at maghanda na
ngunit sana ay iyong pagkatandaan
tumingin kayo sa kaliwa at kanan
bantayan ang mga matang gumagala
dahil si nanay siguradong baltik na
...yan ang napala ko sa filipino I ko. ang gumawa ng isang pang-elementary(ng) tula. on the spot yan habang ang titser ko sa unahan ay TL(tulo-laway)...saya